Monday, December 6, 2010

Kuliglig Drivers Nag-raly...

  Ilang oras matapos ang kilos protesta ng mga kuliglig drivers sa tapat ng Manila City Hall, malinis na umano ngayon ang lansangan doon dahil sa matagumpay na pag-disperse ng pulisya.
Tanging ang mga PNP na lamang ang nasa tapat ng city hall kasunod ng kanya-kanyang pagtakbo ng mga drayber patungo sa Sta. Cruz at Binondo area.
At maliban sa mga nadakip na raliyesta na sinasabing nambato kung kaya't kaagad idiniretso sa PNP headquarters, nabatid na sinagasaan dinurog at pinukpok na rin ng mga otoridad ang kuliglig ng mga ito.
May mga sugatan din umano sa panig ng PNP kabilang na ang ground commander na si Maj. Mar Reyes ng Special Operations Group ng Manila City Hall kung saan nagtamo ito ng tama sa pisngi matapos batuhin ng bato at bote ng mga raliyesta.
Humigit kumulang limang tear gas din umano ang pinakawalan ng puwersa ng Manila Police District dahil sa hindi natitinag sa puwesto ang mga drivers na nagdulot ng matinding traffic maging sa mga motorista.
Sa ngayon ay inumpisahan na ng Department of Public Order and Safety ang paglilinis sa mga bato at bubog na nagkalat at madadaanan na rin ang mga lansangan.
  
   Sa tingin niyo dapat bang payagan ang mga kuliglig driver na pumasada sa kalye?

Opinyon:
    Sa tingin ko dapat payagan ang mga kuliglig driver na pumasada. Dahil kailangan din naman nilang kumita ng pera para may  gagastusin sila sa pangaraw-araw na pamumuhay. 
     Ang mga ito ay tao din na dapat kumita ng pera para sa kanilang pamilya nila.
     

1 comment:

  1. Sa aking palagay dapat na silang hayaan...
    dahil tulad ng ibang tao ginagawa nila ito
    for their sake... at least nagtratrabaho pa
    sila ng marangal at hindi sila nagawa ng
    illegal na bagay...

    ReplyDelete